Nobyembre 26 2013

Tuesday - Cavite

     Na-inspire akong mag diary/blog dahil sa isang babaeng nakasabay ko sa jeep at mrt…

     Nagising ako sa ingay ng kapatid ko at ng mga tao sa bahay. Ginigising ako ng kapatid ko na si Migoy. Naka-uniform na siya at ready nang pumasok. Ako, gusto pang umextend ng tulog. Tuesday ngayon at may klase ako ng 9:00 am. Pagbangon ko, napa-putangina ako pagkakita ko sa orasan. 7:15 na.

     Umakyat ako sa taas ng bahay at nag-ayos ng mga gamit. Kumuha ako ng mga damit na susuotin para sa pagi-i-stay sa opisina ng Kule. Illustrador ako doon. Dinala ko rin ang laptop, nintendo DS at ang mahiwagang music angel na isang boombox na ginagamit ko para mag-soundtrip. Badtrip nga e, nasira yung earphones ko at hindi ako makapa-kinig ng music privately.

     Naligo na ako. Trivia lang: Hindi ako nakakaligo o nakaka-jebs kapag walang music sa banyo. So, dumadagundong at nagsisi-banda sa 4 corners na pader ang mga sound sa loob ng banyo.

     Nakahanda na ang susuotin kong damit. Nagpatuyo ako ng buhok, nag-suklay, nag-deodorant habang nagsa-soundtrip sa kwarto. Bumaba na ako at chineck ko yung progress ng tino-torrent ko. Need For Speed: Rivals - 10.9%. Konti kasi ang seeders at medyo maraming leechers ( leche kayo!) kaya mabagal ang download. Hindi bale, pagbalik ko naman ng bahay eh tapos na ang download nun. Wag lang sanang i-pause ni Migoy ang download progress para lang makaranas ng mabilis na net.

8:00 am na. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag. Medyo nahirapan ako magsuksok ng mga gamit sa bag dahil sobrang dami ng dadalhin ko. Pinilit kong pagkasyahin lahat sa isang bag at ang resulta: pang mountaineer na bag na pang-hiking ang kinalabasan.  Naisip kong mag-sapatos para maayos ako tignan. Lagi nalang kasi ako naka-tsinelas everytime na pumapasok ng school e. Naka-pambahay din, naka-shorts. Pero ngayon ay nakapantalon ako at medyo fit na fit, parang k-pop. Bakat ang muscles. May talsik ng putik yung sapatos ko kaya ang ginawa ko’y pinunasan ko gamit ang basang basahan para tanggalin ang dumi. Pinatuyo ko muna ito sumandali at pumasok sa loob ng bahay para kumain.

    Dalawang saging ang kinain ko habang nagpe-facebook at nagtu-twitter. Um-extra pa ako ng isa pang saging. Ang sarap e. Bale tatlo na. SInisita na ako ng lola ko na male-late na daw ako. Oo nalang ako ng oo,

"Oo, Nay. Paalis na’ko."

Ayun, iniwan ko na ang computer at nag-bless ako sa lola ko.

“‘Nay, alis na ‘po ako.”

"Oh sige, magi-ingat ka ha. Ingatan mo ‘yang pera at gamit mo."

Ayun, sinuot ko na yung sapatos kong pinatuyo kanina. Bigla kong naisip na hindi pa pala ako nakakainom ng tubig. Pumasok ulit ako ng bahay at uminom ng tubig.

“‘Nay, alis na ulit ako.”

Nag-bless din ulit ako.

     Dumiretsyo ako ng mini-stop para bumili ng tubig, colgate at yosi. 1000 ang pera ko at kailangang mabaryahan…

     Inilapag ko sa harap ng lalaking cashier ang bibilhin kong items…

"Kuya, isang Marlboro Black nga ho."

"Bawal po ang student o minor, ser."

"Ano pong bawal?"

"Bawal hong bumili ng sigarilyo ang minor, ser."

"Eh bakit po last time nakabili po ako."

"Hindi po talaga pwede ser, eh.

Student po ka’yo.”

"18 na ho ako kuya."

"Hindi po talaga pwede…"

     Ngumingiti-ngiti ang cashier sa akin. Mukha naman siyang mabait. Naka-id kasi ako at estudyanteng-estudyante ang dating.

    Nag-iisip siya…

"Kuya, anong yosi ho?"

     Ayun, pinayagan niya na akong bumili. Sayang naman kasi ang benta e. Di’ba? Bait ni kuya.

"Marlboro black ho. Yung tigte-38."

Nilabas ko ang 1000 ko.

"Kuya, may piso ka?"

"Wala ho e, ‘yan lang ho yung pera ko."

"Ah, allowance ser?"

"Oo. :) "

Sa wakas, napa-baryahan ko na ang 1000 ko. Hindi na magagalit sakin ang mga driver ng public transpo na may nakadikit na sticker sa sasakyan na “barya lang po sa umaga.”

"Salamat ho ser!"

"Salamat din ho."

Pero sa isip-isip ko. "Salamat sa pagpapa-barya mo."

     Sumakay ako ng baby bus. Nakasabay ko roon si “hindi ko maalala yung pangalan pero kilala ko yung mukha”. Schoolmate ko siya sa school na pinapasukan ko nung high school. Papasok siya ng trabaho sa SM sa may Vito Cruz. Bumaba siya sa may SM Bacoor. Ako naman ay bumaba sa Niog, sa tapat ng 7 eleven doon. Nag-yosi muna ako bago sumakay ng bus.

     Bumaba na ako sa Coastal Mall Terminal at dinatnan ko ang napaka-habang pila pasakay ng Mrt. Mga 15 minutes yata bago ako nakasakay. Lagi kong kinakapa yung zipper ng bag ko. Baka kasi may nagbubukas ng bag ko para dekwatin yung mga gamit ko. Napakarami kong dala. Medyo nakakapagod at nakukuba na ako sa bigat ng bag ko.

     Sumakay na ako ng jeep. Hay salamat.

Biglang…

     Ayun, umupo sa jeep ang isang napaka-cute na babae. Kaharap ko siya sa inuupuan niya.  Hanep talaga. Talent ko yatang may nakakasabay laging maganda sa mga public transpo na lagi kong nakakatapat sa upuan o kaya nakakatabi. Alam mo yun? Yung feeling na nahuhuli niyo yung isa’t isa na nagkaka-titigan. Yung feeling na kapag katabi mo siya nagkakadikitan yung braso niyo. Parang umii-spark kapag nagkakadikitan. May friction.

     Hindi ko maiwasang tignan siya habang umaandar ang jeep. Tinitignan ko yung mata, yung labi niya, yung leeg niya, yung baba niyang may hiwa at yung buhok niyang kulay golden bronze. Grabe. Pero ha, hindi ako manyak ha. Napakaganda niya talaga. Isang beses yata nagkasalubungan yung mga mata namin, sabay tingin sa ibang direksyon para di awkward.

     Yung kunwari titingin-tingin ka sa iisang direksyon pero nahuhuli mo yung sarili mong napapatingin sa babaeng cute na ‘yon. Pinipilit kong pigilan ang mga mata ko na tignan siya pero hindi ko talaga maiwasan. Gustong gusto ko matandaan ang mukha niya kaya tingin ako ng tingin. Tapos kakausapin ko siya at kakaibiganin ko kapag nagkita ulit kami.     

      “Dito na ho ang babaan pa-Mrt.”

Bumaba na kaming mga pasahero. Nauna akong bumaba sa kanya, ambagal niya kasing tumayo e. Naghihintayan kami. Siguro napansin niya yung pinauuna ko siyang patayuin. Pero ako pa rin yung nauna. Nasa likuran ko siya. Dire-diretsyo ako. Hindi na ako lumingon pa sa likod para makita siya. Ang creepy na nun. Napakabilis ng kilos ko. Sinuyod ko ang masikip na daan papuntang overpass at dali-dali talaga akong naglakad dahil gusto ko ma-pretend ng babae na hindi ako interesado sa kanya, taliwas sa ideya na na-love at first sight niya ako. Ang assuming ko ‘no? Hehe.

     Medyo maluwag ang pila papunta ng MRT Taft station. Kadalasan kasi mala-sardinas ang pila doon. Umasa akong sa mrt din sasakay ang babae, at maya-maya pa, noong malapit na ako sa guard na nagche-check ng bag…

…nakita ko siya! Sasakay din siya ng Mrt!

 Bumili na ako ng ticket.

   “Quezon Ave.”

Nasa tabi ko ang aleng nanghihingi ng donation. Red Cross.

“Goodmorning sir, tulong po para sa Red Cross!”

Bente ang binayad ko sa pagbili ng ticket. Yung limang pisong sukli, inihulog ko doon sa donation lata.

Pag-pasok ko sa passengers entrance, dumiretsyo ako sa banyo, Ihing-ihi na talaga ako. Nakakabadtrip dun yung nasa likod kong nakapila, nauna pang umihi sakin. Sarap pasabugin yung dick e. Ayun, pagkatapos nung dalawa pang makapal-na-mukha na sumingit sa unahan ko, ako’y umihi at pagkatapos ay natamasa ko rin sa wakas ang ginhawa.

At lumakad na ako pababa papunta sa sakayan ng tren. May naka-park ng tren sa may kanan ko. Paalis na at marami ng tao sa loob. Medyo moderate lang naman ang dami. Napaka-galing ko talaga. Napaka-swerte ko as in. Dahil paglingon ko sa kanan ko…

…nakita ko doon sa loob ng tren yung babaeng nakasabay ko sa jeep! At syempre, doon ako sumakay sa area niya at doon malapit sa kanya pumwesto. Nakatayo ako. Nasa likuran ko ang isang ale, at sa likod ng ale ay siya.

     Umandar na ang tren. Hindi ako lumilingon sa likod para hindi niya mahalata na siya talaga ang pakay ko. Nag-temple run 2 muna ako sa aking cellphone para magpalipas oras. Medyo ang bano ko pa mag temple run kasi kakasimula ko lang maglaro noong isang linggo. May ginawa akong ninja moves para pa-picturan ko manlang siya at kunsakaling ma-discover niya ang blog na ito e makilala niya ako. Kapag lagpas na ng Buendia Station, dadaan ang tren sa tunnel. So, ang reflection ni cute girl ay makikita sa salamin kapag madilim. Madilim ang tunnel, maliwanag sa loob ng tren. So, reflection occurs at the window of the train. (english?) So ganito ang ginawa ko…

image

Hindi siya yung nasa left bottom ah. Yung cute na girl ay yung naka-itim na shirt na katabi nung nakasalamin na mataba at yung babaeng naka-puti na nakahawak sa safety handrails. Sa tingin ko naman hindi niya nahalata yung ginawa kong pagpi-picture sa reflection niya. Kitang-kita rin ako dun sa reflection at maaring makita niya ako kung alerto siya. Pero sana, hindi talaga.

Habang lumalayo ng lumalayo ang tren, nangongonti na ang mga pasahero at nagsisibabaan na sa kani-kanilang destinasyon. Nakaupo na si cute girl at ako’y nakatayo pa din. Pagdating sa hindi ko maalalang istasyon, tumayo na yung nakaupo sa harapan ko. At nakaupo na din ako. Hayup talaga ang tadhana, napa-kagaling, napaka-bangis…

…Magkaharap nanaman muli kami, for the second time!

     This time,  isang beses lang ako tumingin sa kanya.

“Sana sa Quezon Ave. din ‘to bumaba.”

Sabi ko sa isip ko.

At, ayun. Sa Quezon Ave. nga rin siya bumaba! Dali-dali akong dumiretsyo sa banyo para umihi. Sasabog na e.

At paglabas ko, hindi ko na siya nasilayan. Ang paglabas niya sa tren ang huli kong pagkakataon na makita siya. Sana dun lang siya nagta-trabaho dun sa may mall na nakakabit sa Quezon Ave. station.  Magkikita pa rin ulit tayo, alam ko…

Sa simpleng ganun lang, napa-blog tuloy ako.  Well, espesyal ang cute girl na iyon para sa akin dahil siya sa inspirasyon nitong munting blog na ito na itutuloy-tuloy ko kapag madami akong time. :)

 

So ayun, magpatuloy na tayo.

Medyo ang haba ng pila pasakay ng jeep pa-UP Campus. Nang makabayad na ako, doon ako sa unahan sumakay. Bumaba sa sa Vinzons at dumiretsyo sa opisina ng Kule at magpapalipas doon ng oras habang hinihintay ang next class ko. Late na late ako sa 9:00 am class ko. 10 am ba naman makarating sa UP. Haggard.

Nag-review review ako dahil may quiz kami sa Fil40. Medyo sineryoso ko yung pagre-rebyu. At 15 minutes nalang bago magsimula ang klase, pumunta na ako ng CAL para puntahan ang aming room. Habang naglalakad papunta roon e nagbabasa-basa ako. Noon ko lang nagawa yung ma-review na habang naglalakad sa UP. Hindi kasi talaga ako nag re-review.

Pagpasok ko sa room, may kaunting kaklase ako roong nadatnan. Inayos ko yung arrangement ng upuan sa likod, nilagyan ko ng upuan yung katabi kong babae na crush ko sa fil40 class at yung kaklase kong si Hendrick. Gusto ko the whole semester katabi ko yung babaeng crush ko na yun.

At ayun, dumating na si crush. Hindi ko maalala yung name niya e. Yung apelyido lang, Mariano. Seryoso ako sa pagre-rebyu. So as she. Tapos dumating na din si Hendrick. Nag-apiran kami.

“Himala!”

“Oh, bakit himala?”

“Wala.”

“Dahil ba ang aga ko?”

“Hinde. Himala kasi nagre-review ka. Haha!”

Oo nga naman. Hindi kaya ako nagre-review. Stock knowledge lang.

“Hindi pa ako nagre-review, pwede patingen?”

“Sige.”

Hindi nag-review si gago.

At dumating na si ma’am. Akala ko magku-quiz agad. Pero may idi-discuss pa palang mga topic.

Ang diniscuss ni ma’am Perez ay patungkol sa Sapir-Werf Hypothesis na mula kina Edward Sapir at Benjamin Wherf. Nakapaloob dito ang linguistic relativity at linguistic determinism. Ayoko nang i-identify ang meaning dito kase masyadong mahaba ang masusulat ko. Basta ang natutunan naming sa discussion ay ang wika ay relative sa kultura at ang dalawang types ng Semiotics ay ang simbolo at senyas. Tapos ayun at nag-quiz na kame. Sineryoso ko talaga ang quiz. Pero ayun, 12 lang nakuha kong score. Tatlo ang mali ko. 15 items ang quiz. Tinatarget ko pa naman na ma-perfect pero hindi kinaya. Wala kasi akong dalang tubig e, kaya hindi nalagyan ng tubig ang utak ko. Kasi ang utak ay 90 % tubig. Kaya kapag walang tubig, mabo-bobo ka sa exam. ( Take it from me, chos)

Naka-beyond perfect si crush ko. 16/15. Kasi natama niya din yung bonus question na:  Ano ang number ng artikulo ng Wikang Pambansa. Grabe, ang galing niya.

“Naks! Galing galeng.”

“Anukaba, nahulaan ko lang yung iba!”

Pa-humble pa si crush.

Ayown, parang high school lang yung eksena: Sasabihin yung score sa quiz at ire-record ni ma’am. 

“Keyk?”

“12 po.”

Medyo okay na din itong score ko.

Nag-announce ng iilang reminder si ma’am at pinayagan kaming umalis. Dumiretsyo kami ni Victor sa susunod pa naming klase, Eng10.

Ako si Keyk.

At eto na, tinamad na ako mag-kwento. Sana nag-enjoy ka. Haha! Sige! Next time ulet!